KADUDA-DUDA KA
music by Roy del Valle; lyrics by Trina Belamide
recorded by Renz Verano

Pasensha ka na kung ‘di ako
Magtiwala agad sa tulad mo
Gusto ko mang maniwalang mabuti kang tao
‘Di ko kasi maintindihan
Kung paano mo nagawang saktan
Ang ibang mga tao
Mabait ka man sa tulad ko

CHORUS:
Mabait ka nga sa akin
Nguni’t ‘di naman sa iba
Kaduda-duda ka
Kaduda-duda ka
Marami kang nililihim
‘Yan ang sabi nila
Kaduda-duda ka
Kaduda-duda ka

Para bang kailan lang
Pangalan ko’y ‘di mo alam
Ngayon tila ako na ang iyong mundo
Kahit ano ay gagawin
Para lamang sa akin
‘Yan ang sinasabi mo
Bakit kay rami mong pangako

(chorus 2x)

back to Lyrics Main